Friday, December 31, 2021

a blank page for 2021

kumusta ka? 

isang taon na naman ang nagdaan. hindi ako sigurado kung naging mabilis ang paglipas ng taong ito sa tru lang. for me, it was like, "2021 PA RIN BA?" like you, marami rin akong low points this year. yung mga devastating moments na maiiyak ka na lang talaga. pero heto pa rin, after everything, i am just thankful that i am still here (struggling to compose my thoughts for this post) and still alive. 

pandemic pa rin. people are dying. close friends died. my furbaby died. mediocre pa rin ang gobyerno sa pangkalahatan. nakapiring pa rin ang mata ng karamihan sa katotohanang tayo'y harap harapang inaalipusta. kailan kaya ako mageexam? my mind's been overthinking a lot but i am beyond grateful that i am surrounded by my family, my furbaby, good friends, and EXO. 


for the fourth year in a row, EXO's been great at distracting me 

with EXO members fulfilling their obligation as a citizen of Korea (with their mandatory military enlistment), hindi naman tumigil ang pagiging active ng ibang members. wala mang group activities, namamayagpag pa rin naman ang kani-kanilang solo activities mga solo albums, movie, kdrama series, musicals, variety shows, online concert, online fanmeet, vlogs, bubble messages and maraming merch to make things more interesting. 

ihighlight ko rin ang first solo mini album ni D.O. ang "Empathy." with the exception of Rose (ENG), though different in the language we speak, i still feel the warmth and comfort with each song he sang. yung pakiramdam na niyayakap ka niya ng mahigpit at sinasabing, "HOY AKO YUNG BIAS MO BAT GASTOS KA PA NG GASTOS SA IBA DYAN"  "NANDITO NA AKO. HINDI MAN TAYO SIGURADO SA KUNG ANONG MANGYAYARI BUKAS, ANG IMPORTANTE'Y MAGKASAMA NA NATIN ITONG HAHARAPIN." iba rin talaga kapag ang buong album ay kanya. that's okay, may kasama ka na. 


among the people i would like to thank are: 

to the best budol store for EXO group orders: @somestore. tita momsh and tita hacker made buying things so much easier and convenient for an EXO trash like me. among many other things, goal ko rin talaga na maging friend sila. magaapply muna ako ng change of name to jaschelle ann baka sakaling ifriend na nila ko. charot. 

ABIGAIL. JIA. JENICA. LUCILLE. TINA. ATE JOY. TITA MCKAY. ATE BOSS. salamat sa pagsalba ng taong ito. with the random overthinking and anxiety, thankful ako't may nakakausap ako. nahihingan ng payo. napaglalabasan ng saloobin. kasama sa pakikiemosyon. pakikiramay (gastos man or sa life in general). hindi ko maimagine kung napaano na ako kung wala kayo.


with my jongin gone, i've come to realize how precious a furbaby's life is 

i guess kami lahat sa bahay narealize yon. kaya't lagi namin kasama si poochie saan man kami magpunta. although hindi na rin kasi kaming limit kung lumabas, we make sure na kasama namin siya. for the first time too, nagswimming siya sa beach. ginaw na ginaw siya umahon at tumakbo papalayo. as a consequence, katabi namin siya sa kama natulog at nakaunan pa nga't ayaw umusod sa kama. 

i will always be grateful that poochie's presence comforts me at the most random times, lalo siguro doon sa mga araw na namimiss ko si jongin. she understands. she feels the same way too, probably. jongin, we're okay baby. we will always miss you. will make sure that i will be a better furmom to poochie. 


i am lucky because of the family i am blessed with

to mama and papa. i am always grateful na kayo ang pinagkaloob sakin ni lord bilang magulang ko. i will never be this happy if it wasn't because of you. salamat po. magtiwala po kayo't matututunan ko rin po yung pagtitipid. hihihihih. tiwala lang.

to kuya aj, ate manell, marcus, and mavi: mahal ko kayo. salamat sa dalawang linggong nakasama ko kayo sa bahay. namimiss ko kayo. pagkatapos ng lahat ng ito, babalik ako. 

to tita josie, tita hidy, kuya nery, jannine, and kuya joener: salamat. sa buong stay niyo dito sa bahay, hindi niyo kami pinabayaan. nakakapanibago yung wala na kayo. masyadong tahimik. mabuti na lang talaga't ilang lakaran lang kayo. nakakamiss kayo. 


a blank page for 2021 

though i may bitterly say that i'm leaving a blank page for 2021 it also represents the empty space for the forgotten memories that made an impact in my life the moment it happened/was happening. sabi ko nga't i am just thankful to be here and alive. kinakaya, at kakayanin pa. 

though there are times that i am not in the proper headspace, i really find it amazing how i can find my way back. or how each failure can be a learning experience. may dahilan kaya't nangyayari ang lahat. painful. pero lahat ng bagay may dahilan.


2022 looks so bright 

kakalimutan ang mga sakit. bibitawan ang nakaraan. uusad at aabante patungo sa dapat puntahan. pahahalagahan ang kasalukuyan. patuloy na mamahalin ang pamilya, lalo na si poochie. pahahalagahan ang mga taong nagbibigay ng importansya, lalo na yaong aking mga kaibigan. mabubuhay para sa sarili. 

ngayon nga'y naaninag ko ang pag-asa. ang boto ko ay doon sa mga taong alam kong tama at nararapat. doon sa katulad ng paniniwala at paninidigan ko. yung sa taong hindi ako binigo at bibiguin dahil alam kong iaangat ang Pilipinas mula sa laylayan. 

nawa'y bumoto ng naayon sa iyong prinsipyo. base sa kanilang sariling track record. doon sa alam mong hindi mo pagsisihan na iyong ibinoto. Atty. Chel Diokno for Senator. Kiko Pangilinan for VP. 🌾 Leni for President. 🎀


if you're still reading this by now, eyyy, thank you

marahil isa ka sa mga tinatangi kong kaibigan. nagttyaga sa personality ko. sa kakulitan ko. sa kadaldalan ko. kung ikaw man ay hindi ko personal na nabanggit. nais kong humingi ng paumanhin. pwde kang maglike sa post para alam ko kung kanino ko dapat makunsensya hahaha, i mean para maisama kita sa bawat dasal ko.

merry christmas and a happy new year! 


prosecutor kyungsoo is happening this 2022. 

sabi siguro ni Lord: manifesting? ✨ i gotchu. 

maabot ang pangarap by 2022,

claiming it!


 

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...