Friday, January 1, 2016

TU-WEN-TEE FIF-TEEN

Hello dear friends! Isang wrap up post na naman para sa taong nagdaan, excited ka na ba? 

You: YES! (pero hindi talaga)
Me: keribells!

Simulan natin sa New Year's Resolution ko, tatlo lang naman sila...


  1. I am regretting not being able to achieve this. Right now, I am still in dire need of a worthy water bottle, yung sobrang okay na quality na hindi ko siya kayang iwan sa ref mag-isa.  So if you have any brand recommendation, I would gladly look for it myself. 
  2. 13 out of 20. SCREW YOU SCHOOL ! Personally, not bad na din ang 13 considering na nakalimang Harry Potter books naman ako, ang haba kaya nun! Kung gusto mo kong hingan ng review sa bawat librong ito, goooo! 

  3. I have partially complied with this as at the beginning of December nagstop na ko mag"hulog" since nagmamadali akong bumili ng pangregalo para sa Pasko. Goal ko lang naman for saving money is to keep a SUM for 2020 and an AMOUNT to buy presents for Christmas. I may have failed to save enough for myself, yeaaah I had plans you know? Pero yung makita yung ngiti sa mukha nila papa, mama, and kuya ay sapat na. 
For tomorrow is a brand new year, panahon na naman para gumawa ng mga pangakong mapapako sana ay matupad. 

Oh, akala mo tapos na? Hindi pa! I'm just warming up yah know. Bago ang lahat, hello nga pala sa kuya ko na kasalukuyang natutulog sa kama ko dahil masakit daw yung tyan niya. 

Hey, yo!
JANUARY

Di magkamayaw ang feelings ko ng January. Kung naalala niyo, January ng dumating sa Pilipinas si Pope Francis and TO SEE THE POPE was one of things included on my bucket list. I know that he should not be the basis of my faith but seeing him felt like "everything will be fine," that at the end of his visit I was thankful for a person like him to be our pope. Ah basta, nakakakilabot na experience lang talaga yung masulyapan si Pope Francis. Lalo na yung smile niya, nakakagaan ng loob. 

Sadly, this was the month when Kuya Danny overstayed his vacation. Hindi ko inaasahan na he would be leaving without a proper good bye, it was devastating. The horrors I endured while he was gone. Bilang pampered at spoiled, I am driver-dependent. I can't go (almost) anywhere without one. The first month without Kuya Danny was just horrifying! Hanggang sa nagdaan ang mga buwan at naging bitter lang ako sa pagkawala niya. Pero medyo naka move on na ata ko, may konting kirot na lang pag naalala ko siya, na sana one day, bumalik pa din siya at okay siya kasama ang pamilya niya. *iyak*

FEBRUARY 

TELLY WISDOM told me: 
May pagkakataong kailangan mong magsimula pagkatapos mong mabigo. 
Pero kung ikaw mismo ang susko, walang ibang pwedeng tumulong sayo. 

So n Feb 16, I wrote 
SELF NOTE: HE wouldn't give you a challenge that you cannot face

I cried buckets of tears again, I was so close on giving up. Pero wala eh, God works in mysterious ways. Kung sumuko ako malamang hindi ako nagsasaya ngayon sa "achievement" ko. Buti na lang talaga, thank you po Lord!

MARCH



I was on the highway to hell when March came. A lot of swearing and M&M's were involved during this month as the finals week came. My midterm examination results were not as favorable (for me to chill for the finals), everything was depending on the finals. Buti na lang din at lahat ng prof ko "FINAL-ist" so kebs naman.

Spoiler: Pinasa ko silang lahat, come May.

APRIL - MAY

For two months, taong bahay lang ako. Achievement ko during this down time ang pagbabasa ng libro at panunuod ng series. Yep, during those months lang ako nakanuod ng Doctor Who at ngayon nga ay sobrang fan na ko (*high five*).

I must say na stressful ang dalawang buwan na to dahil wala pang grades na nilalabas for the last sem, kaya yung anticipation. My golly! Abot langit na lang ang pagsasaya ko nung naglabasan ang grades ko na walang bagsak. Hay, ang sarap! Lalo na yung akala ko talaga wala na eh, kaya't sabi ko talaga sa sarili ko... kakayod ako sa darating na Academic Year.

JUNE-AUGUST

Hunyo ng malaman ko na sobrang taba ko na talaga, haha at wala pa din akong ginagawang pagbabawas ng timbang. Wala eh, tamad. #HealthyLiving2016Pramis

The start of the new Academic Year. Nakakakaba, lalo na't yung ibang subjects ko ay kukunin ko sa pangalawang beses attt may prof akong kilala na nambabagsak ng maraming-marami. Pero dahil may utang na loob ako sa sarili ko dahil sa himalang nangyari sa last sem grades ko, I studied like crazy!

Isa sa highlight ng pagiging estudyante ay ang Class Suspension. May isang araw talaga na yung Mayor na lang ng Muntinlupa yung hindi nagsuspend ng "ALL LEVELS" kaya't laking pasasalamat ko kay Father Rector. Nakasulat nga dito sa planner ko ay #RectorForMayor HAHAHA!

Pero as I was doing very well on my classes, nung dumating ang MIDTERM EXAM WEEK ay juskopo! NagCHILL lang talaga ko. It was exhaustion. I caught myself crying for no reason, one faithful night. Pagod lang. Kaya I can't blame myself from procrastinating. I must still find the right formula for doing well. 

SEPTEMBER

Celebrated Mama's birthday. Ay dios mio! It was an "out of my world experience". Chill lang but it was fun!

OCTOBER

BIRTHMONTH! I was campaigning for a month long birthday celebration like last year. I have to admit that this year's celebration was way better than last year. This year, I turned TWENTY-TWO. Ewan ko, it never felt like I was getting older nor wiser. Pero fatter & happier, definitely!

Also for this month is our FINAL EXAMS. Ayun lang, hanggang ngayon I'm waiting for my grades but so far naman I've passed. Sana sa mga natitirang subjects din! 

NOVEMBER

A MONTH LONG SEMESTRAL BREAK. I PASSED CRIMPRO. BAROPS FOR AHRC. NOVEMBRR BAGUIO. A SECOND CHANCE.

Hahaha, that's basically what happened for November. Oha! Hello happiness.

NOTES:

Lose all the negativity,
after all it's still your life.

Embrace and appreciate everything! :) 

DECEMBER

Kahit na classes officially resumed, eh naka-bakasyon pa din kami sa school. Patay tayo sa January 4 guys! 

It was on December 10 that I officially ended my Money Challenge, the results were good.

Nung December 12 naman ay ang Spouses Falsis Church Wedding. It was my first time to attend a friend's wedding. Nakaka-adult lang. Kuya John and Ate Kash are my classmates from law school. At tunay na sila ang relationship peg para sa aming henerasyon. Both are equally kindhearted and funny persons, kaya't I'm lucky to witness such a meaningful event. Bilang wedding ito, ay heto ang "I WOKE UP LIKE THIS" look ko. (Uy chos lang yung woke up like this a!)



Last December 16 naman, I was given a free ticket to watch "Music for the Holidays" at Solaire Resort &Casino, featuring the Manila Symphony Orchestra with Gerphil Flores. Pero as it was free, last minute kaladkaran ang naganap. I am extremely grateful for the free tickets and I am equally thankful for my twin Juju for watching it with me. 

Ayun tapos last December 26, nagstaycation kami sa Baguio. Dahil staycation, walang alisan ng vicinity ng hotel except nung kumain kami ng Inihaw na Pusit sa Mines View. Hahaha! Hoping that we'll be able to do this again. At tulad ng celebration ng birthday ni mama, it was an "out of my world experience."

...

Alam ko namang everything turned out to be great dahil kay Lord since hindi naman totoo ang coincidence, kaya't for 2015 I've learned an important lesson : NEVER DOUBT HIM. Yikes, masyado bang religious? Pero totoo siya, as long as you offer everything to Him hindi ka niya papabayaan. Just look at how awesome my 2015 have been. He's just there waiting for you to call Him.

FAMILY & FRIENDS, thank you for being a part of my 2015. There may be some misunderstandings along the way, pero you stayed. And at the end, it's all that matters. Para naman sa mga "friends" na hindi nagstay, okay lang dahil lahat ng bagay may dahilan. Or sadyang we're not meant to be. Mabuti na din ito. Para sa mga taong nageffort, kayo talaga ang tunay na bayaning Pilipino! HEHEHE. Para naman sa mga new found friends na hindi ko inaname drop pero alam niyong kayo to dahil pini-em ko kayo para lang dito, salamat a! Excited na ako sa 2016 dahil baon ko kayo mula sa isang magandang taon, kayo ang tunay na blessing e. Sana ay mas marami pa tayong mga bagong kalokohan at adventures para sa taong ito.

AT PARA SAYO NA NAGBASA NITO AT UMABOT HANGGANG SA PUNTONG ITO: I LOVE YOU! Sa haba nito ay tinapos mo, napaka special ko talaga at may taong tulad mo na naririto sa buhay ko. Hayaan mong suklian kita ng mas marami pang kwento at mas corny pang mga jokes. Batid ko na sana'y nagkaroon ka rin ng magandang taon at nawa'y magkaroon pa tayo ng mas magandang taon ngayong 2016.

Good mornight!

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...