Mahilig akong manuod ng iba't-ibang series, pero yung panunuod ng series na kailangang magbasa ng subtitles yung pinaka madalang kong panuorin. Napagtanto ko yun pagkatapos ko mangailangang magsuot ng salamin sa mata, pero sabi ni 11...
Pero ngayon nga ay may sinusubaybayan akong bagong Korean drama-series at ito yung "Oh My Venus"
![]() |
Nakakakilig kapag nasasabi yung pamagat ng isang palabas sa mismong palabas Parang, AHHH! GALING A! |
Ano nga bang bago dito at kailangan mo siyang mapanuod?
UNA. Ang series na ito ay tungkol sa isang babae na noong kabataan niya ay ubod ng ganda. Dala ng kawalang-hustisya na naranasan ng kanyang pamilya ay ninais niyang maging isang abugado. Nakamit naman niya ito ngunit napabayaan niya ang kanyang pisikal na kaanyuhan at tumaba.
![]() |
Siya si "JOHN KIM" ang pinakamakisig na tao sa balat ng mundo. Char. HAHAHA. Okay, bukod sa kanyang angking kakisigan ay mayroon din siyang taglay na bukal na kalooban. Sympre kathang isip to kaya't mala-perpektong katangian ang nangingibabaw sa kanya. Sa likod ng kanyang matapang na pangangatawan ay maraming sekretong nakapaloob sa kanyang pagkatao (na kapag nalaman mo ay mas mamahalin mo siya).
PANGATLO. Sympre maganda tignan yung payat (ayon sa kultura ng bawat nasyon sa mundo ngayon). Pero itong palabas na ito ay nagpapahikayat ng pagpapayat di lamang para sa panlabas na kagandahan kundi ay para sa magandang kalusugan. At kung ganito naman ang mga taong tutulong sakin para magpapayat, ay nako po! SIGE! ARAW-ARAW!
PANGAPAT. Sobrang nakakatuwa siya okay!
Kaya't ano pang hinihintay mo, panuorin mo na!
Pahabol Sulat. Maraming, maraming salamat Ate Joy sa panghihikayat sa akin upang panuorin ang palabas na ito. Isa kang tunay na KPOP advocate.

No comments:
Post a Comment