Ilang araw, linggo, buwan ang lilipas
Di magpaparamdam, kala mo kung saan nagtatagong maliit na butas.
Isang text lang, kala mo wala nagbago
Ang tanda na natin, ganito pa din tayo.
Grade three nung una tayong magkakilala,
Dahil sa CAT lagi pa tayong nagkasama.
College at Accounting ako'y iyong tinyagang turuan,
Kahit na mapuyat ka dahil may pasok ka pa kinabukasan.
Palagi kang late, siyang tunay
Ngayon ba'y may kaltas bilang pagpapatunay?
Likas kang mabait, makulit, at tunay na matakaw
Magaling kumanta, tumugtog, at magaling gumalaw.
O, napangiti ka, kala mo naman ay kung sino kang henyo,
Alam ko namang aanhin mo lahat ng 'yan kung wala ako.
Saan ka man magtungo,
Ikaw man ay magpakalayo-layo,
Kapatid ko, ako'y laging nandito,
Naghihintay muli ng isang text galing sayo.
Siya nga pala, maligayang bati Adri!
Nawa'y mas pagpalain ka pa ng marami
At di makalimot sa amin pati doon sa mga taga-Apari
No comments:
Post a Comment