Thursday, November 7, 2013

The life changing 2 weeks

Haha, been overusing this title but it really is the best way to sum up the 2 weeks of Sembreak Internship Program with the Ateneo Human Rights Center. 

Alas! Here comes my blog from the journal I've been scribbling on during the 6-days immersion with the Dumagats at Malatonglan, Infanta Quezon.

DAY 2
If you could stop
and go back time, 
would you?
Right now, I feel like
wanting to tear up
pages from my journal.
Weird.

DAY 4
When all this time
you've been living a lie,
then you'll start wondering
if anything else is a lie.

*DUNNO WHAT'S UP WITH THOSE VERY EMO FEW LINES FROM THE FIRST PAGE OF MY JOURNAL ANYWAY. Here goes nothing...

IPOST SA BLOG 

Kasama ang Batis Babes kaming sina "Grace and Friend" ay nanirahan sa Malatonglan kasama ang mga katutubong Dumagat o "Katutubs" ayon sa wika ni Tatay Junie. 

DAY 1 [Antipolo to Quezon]
Walang tulog ay aming binaybay ang daang patungong Quezon. Mapalad akong aking nakapareha si Chelle na simula BOS pa lamang ay nakagrupo ko na (TEAM AWAW AWESOME kasama sina Harvey at Gil). Kasama ang iba pa naming batchmates bumaba kami sa Tamala kung saan ako ay nagdulas at nagpatuloy sa paglalakbay na may namamagang kanang palad.

Di maikakailang matarik ang daang papunta sa lugar ng aming kabatch (Yori at Harvey) *patungong Udlihan. Nakakatawang may nakita pa kaming baboy malapit sa kanilang titirhan. Ng kami'y paalis na, patawa naming tinanong kay "Kuya Kata" kung kami ba ay babalik sa daanang napakatarik na aming binaybay patungong Udlihan. 

Pinagtatawanan kami ni Kuya Ryan at Kuya Neil nung sinabi nilang may mas madaling daanan palabas ng highway. Ng aming tinanong kung bakit doon pa kmi dumaan sa malayo ay ang nasabi lamang nila ay para may maikwento sa inyo. Oha! 

Pagkarating sa highway ay sinubukan kong ibsan ang pagod ng mahabang lakaran sa ilalim ng tirik na araw sa pamamagitan ng pakikkipagkulitan sa mga kasamang kong sina Chelle, Angel, Lexx, Kuya Ryan, at Kuya Neil. Maya-maya'y nakita naming may jeep na parating na ang lulan ang iba naming kabatch na sina Aylene at Chelsea na patungong Masla at sina Armand at Pepe na patungong Banbanan. Dali dali kaming sumabay patungong sitio na aming tutuluyan.

Pagkaanupa't nakarating kami sa tapat ng bahay ni Tatay Alex sa Malatonglan. Nakatikim kami dito ng Maccapuno (na nanggagaling pala sa puno din ng Niyog). Nakilala si Nanay Babay at kanyang ipinakilala sa amin si "Ate Grace" - - nakapalagayan agad namin si Nanay Baby ng loob at aming siyang sinamahang sumisid gamit ang kanyang bislay (slingshot) at antipara (goggles) upang manghuli ng isdang kakain panghapunan. Anupa't hinila niya kami sa malamig na batis. Pinasubok niya sa amin ang kanyang antipara at nabilib kami at sobrang linaw niyang gamitin. Malaki rin ang naging pagmangha ko sa malinis na batis. 

Maya maya ay dinala niya kami kina "Nanay Josephine", isang Tagalog na nanunuluyan sa Tuno ngunit may munting tindahan sa Malatonglan. Sa ilalim ng puno ng niyog, may duyan. Hindi ko ito malilimutan pagkat dito ko unang natikman ang "Lambanog. Aming silang nakapanayam at nalaman ang mga sulinaring kanilang hinaharap kasabay ang pagikot ng tagay. Kinahapunan ay kami'y umuwi na sa bahay ni Tatay Alex at nagbihis pagkat magdidilim na at oras na para matulog.

Kinagabihang ito ko mas nakilala ang kapartner kong si Chelle. HAHAHA. (deleted) 

Makatapos ang mahaba habang kwentuhan. Aking pinagtyagaang pagmasdan ang aking tinutulugan, apat kaming "Malatonglan Girls" na pinagkasya ang sarili sa maliit na silid, at sa kabila naman natutulog sina Tatay Alex, Nanay Niknik, si Nicole at Nicalyn. Napabuntong hininga ako nung aking napagtantong ang silid na aming tinutulugan ay ang dapat tinutulugan ng ang mga foster parent ngunit sila din ay nagtiis na magtabi tabi sa kabilang kwarto upang mapaanyayahan kami. Lubos na bumagabag ito sa akin, pagkat naalala ko'y paminsan kapag may bisita sa bahay ay may mga panahong masama pa ang aking loob na sila'y patulugin sa aking silid, samantalang ako ay makikitulog sa kwarto ng aking mga magulang na mayroon pa din akong sariling kamang hihigaan. Kung tutuusin, sila ay aming mga bisita, mga kamaganak, o matatagal ng kaibigan. Ngunit sa bahay nila Tatay Alex, kahit walang kama, binigyan nila kami ng napakaranyang matutulugan na mayroon pang unan at banig. Dito ko napagtanto na hindi dapat ang aking paguugali at dapat ko itong baguhin, nangako akong mas mamahalin ko ang aking kama at mga unan pagkabalik ng Maynila. 

Miryenda - Macapuno
Hapunan - Sinigang at Pritong Isda, Ulabas at Tibangka

DAY 2 [Bahay-bahayan]
Unang opisyal na bahay na aming pinakisalamuhaan ay sina Ate Michelle na may 3 anak na si Angelika (Likang), Angelo, at bunsong anak na si Jason. Kahapunan ay nangapitbhay kami kila Ate Puto kung saan natuklasan namin na ang paborito nilang artista ay si BONG REVILLA. Laking panlulumo at bakas talaga sa kanilang mga mukha ang kalungkutan noong nalaman nila na may asawa't anak na si Bong. Biro-biruan pa naman nina Ate Puto na may balak silang wag paalisin si Bong kung sakaling sila man madalaw. 

Umagahan - Ulabas at Tibangka
Tanghalian - Ginataang Hipon
Miryenda - Langka
Hapunan - Ginataang Talbos ng Kamote 

DAY 3 [Bahay-bahayan day 2]
Inabutan kami ng hapon kila Ate Puto kung saan unang araw na umulan sa Malatonglan makalipas ang katatapos lamang na bagyo noong nakaraang linggo bago ang aming pagdating. Nagpatuloy ang pagaaral namin ng ilang salitang dumagat. 

Unggoy - Bulog
Inaantok - Tinutungka
Maliligo - Mandidyos
Magandang Umaga - Masampat a Abiabi
Magandang Tanghali - Masampat a Udto
Gutom na ako - Nagketigyang ako di
Kamusta ka na? - Kamusta ka mo di? 
Naguuway - Pagyayantok
Tibangka - - Ulabas (MGA NAGING PABORITONG ULAM NAMIN ROON)
Buwan - Bulan
Matulog na tayo - Magpede kitam di
Alis na po kami - Nutul kami di
Magandang Gabi - Masampat A Abi
Saan ka galing - Di no kamo umapo
Banig - Abok
Dudumi ako - Nenginenok
Naiihi ako - Namas ako di
Hipon - Ulang
Madilim - De dumos
Uulan - Natapok
Anong ginagawa niyo? - Ano upeyadiyo
Basura - Sokal
Asukal - Malanis
Gusto kita - Buot ko ikaw
Gusto mo ba ko? - Buot tok momen
Saan ka pupunta - Dino ka po agow
Nalalasing - Nagbubugnang
Limuran - - (PRUTAS NA SOBRANG ASIM, possibly related to Tamarind, looks like a pineapple)
Magandang hapon - Masampat A Apon
Di ako umiinom - Anok di inom

Nakilala namin ang alaga nilang bulog na ang pangalan ay Minggay, na tuwing uuwi ang asawa ni Ate Puto na si Tatay Joel ay nagiingay na tila nakikilala ang paparating. 

Katatapos pa lamang naming kumain ng umagahan at heto't parating sina Nanay Baby at si Nanay Nene (na nanay ni Ate Michelle). May hawak na isang tupperware na tila nagsasaya. Nagkakantahan at naghahalakhakan. Paglapit sa amin ay unang sinabi kay Ate Puto na kumuha na ng baso at kami daw ay tatagay. Dala na naman ang Lambanog, ay kami'y nagkwentuhan. Nakagugulat ng biglang may nabanggit na maselang usapin si Nanay Nene at agad siyang pinatigil ng kanyang anak na si Judith. Marahil nabitin sa kwento kaya kami ay hinatay ni Nanay Nene at Nanay Baby papunta muli kila Nanay Josephine. Sa takot na mapadami ang tagay na maiinom ko, niyaya din namin ang Batis Babes para mas madami ang ikot ng tagay. 

Kahapunan ay nagdatingan ang pamangkin ni Ate Puto na si Erika na galing ng paaralan sa S.P.A. Nasuspende daw ang kanilang mga klase dahil nasira ang ilang mga silid ng kanilang paaralan dahil sa nagdaang bagyo. 

Ito din ang araw na dumating ang 2 anak ni Tatay Alex na si Merilyn at Aljed at ang kapatid na bata ni Nanay Niknik na si Paong. Kaya't sumatutal ay 11 kaming natutulog sa bahay nila Tatay Alex. 

Umagahan - Ulabas
Tanghalian - Ginataang Kamote
Hapunan - Adobong Baboy (mahirap ang buhay sa Malatonglan kaya't laking gulat ko noong kami ay kumain ng Adobong Baboy. Ito raw ang pasalubong ni Erika mula S.P.A.) 

Day 4 [Bahay-bahayan day 3]
Sa kapatid ni Ate Michelle na si Ate Lanie naman kami nakipamuhay. Sagana sila sa saging na latundan na sobra kong paborito kaya't masyado akong natuwa at halos isang piling ng saging ang aking nakain. Noong una ay sobrang mahiyaan si Ate Lanie (tulad ng ilan pang mga Dumagat) ngunit kalaunan ay nakipag"ISTORYAHAN" na din siya sa amin. 

Kami ang naghugas ng pinagkainan namin ng tanghaliaan sa batis malapit sa kanilang bahay na may katarikan ang pagpunta. Pagkatapos ay kami'y naligo sa batis kung saan kami naligo noong kami ay nakila Ate Puto sabay laba na din ng aming damit. 

Ito ang araw na binisita kami ni Sir Ryan at Ate Camille baon ang ilan pang mga provisions namin at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay at nagbigay sila ng instructions kung paano kami uuwi sa Sabado. 

Kahapunan habang nagpapatuyo ng nilabhan ay naimbatahn kami ni Nanay Gina sa kaarawan ng kanyang pang-apat na anak na si Ella, na kasalukuyang nasa Real Quezon. Dito namin nakilala ang kanyang pamilya at sina Nanay Ana at ang kanyang anak. Ang handa ay pansit at ginataang saging at kamote. Kakaiba ang bahay ni Nanay Gina sapagkat dito'y may kuryente sila. Sila pala yung tinutukoy ni Ate Puto na bahay, kung saan sila minsan nakikinuod ng pelikula ni Bong Revilla. 

Dahil kami na din ay nasa birthday at talagang uso yata ang inumin sa kanilang lugar, muli akong uminom ng Lambanog kung saan may mga nakausap kaming ilang mga binata habang nagkkwento si Nanay Gina ng kanyang buhay pagibig at si Nanay Ana at ang kanyang pangungulila ng anak na babae. Ikinuwento sa amin nila Nanay Ana na ang mga kabatch naming si Aylene at Chelsea ay malalakas uminom at nakikipagsayawan pa sa disco kapag gabi. 

Nakakatawang habang ako'y natutulog ay kinukulit ako ni Paong at nangangalabit. Noong tinapatan ko ng flashlight at nagtago. Maya maya'y tinatawag akong "ate, ate. " Tinanong ko kinabukasan sa kanya kung bakit at ang sabi niya ay tinitignan niya lamang kung ako'y tulog na. 

Umagahan - Ulabas at Tibangka
Tanghalian - Sinantolang Hipon
Hapunan - Luto ni Chelle na sinabawang Tuna Fresca (Afritada) 

Day 5 [Huling bahay sa lugar]
Iknwento sa amin ni Tatay Alex noong umaga bago kami umalis ng bahay na noong gabi raw ay may mga binatang nagtungo sa bahay lulan ng mga habal habal at hinahanap raw ang mga dalaga upang maka"ISTORYAHAN." Tawa lang kami ng tawa at kami ay kanyang pinagsabihang magingat. 

Ikalimang araw ng immersion kami ay nagtungo sa bahay ni Nanay Nene kasama ang kanyang mga anak na sina Kuya Freddie, Ate Judith, at bunsong anak na si Monique. Marahil ay nasanay na sila sa amin kaya't napapakwento na din sa amin ang mahiyaaing si Nanay Nene. 

Dahil sa napapalapit na eleksyon kaya't panay ang painom ng mga kandidato. Bago mananghali ay nagpunta kami nila Kuya Freddie sa bahay nila Ate Abigail kung saan nakikipamuhay ang Batis Babes. Maya maya ay dumating ang kumakandidatong kagawad baon ang isang bote ng Wilkins na may lamang Lambanog. Hindi ako umiinom ng kape ngunit pagkatpos ng inuman na iyon ay napainom ako. Hay, mukhang nagiging sunog baga na yata ako. 

Pagkatapos ng inuman ay umuwi kami kila Nanay Nene at kami'y nananghalian ng ginataang gulay na Paco. Halos nagpapababa pa lamang kami ng kinain ng maya maya'y ang mga binatang nakasalamuha namin noong isang araw sa birthday party ay dumarating. Noong una'y buko juice lamang ang kanilang dala baon ang kwento at ilang mga tanong tungkol sa Maynila. Kalaunan ay bumili na sila ng ilang sitsirya at lambanog. 

Pagkaraan ay pinagluto na kami ni Nanay Nene ng hapunan kung saan nagluto muli si Chelle ng Tuna Fresca (Afritada) na may kasamang talbos ng kamote. Pagkatpos kumain ay kanila kaming hinatid. Kung saan may isang lalaking nagtatapat ng pagibig kay Chelle. Marahil ay may kaunting tama mula sa Lambanog kaya't nagkaroon ng lakas ng loob si kuya. Nilapitan ko si Chelle sa takot na din na baka ano pa ang masabi ni kuya, naririnig kong ilan sa mga sinasambit niya ay ang "ngayon lang tayo nagkita ngunit masaya akong nakilala kita, at mamimiss kita. "

Pagkahatid nila sa amin sa bahay ni Tatay Alex ay pinagtawanan kami ni Tatay Alex sapagkat ang mga kasama pala namin ay ang mga lalaking pumunta noong isang araw sa bahay.  Kinagabihan ay sinabihan kami ni Tatay na ilalayo na daw niya kami sa mangingom dahil huling araw na naman din namin sa Malatonglan. 

Itong gabing ito ay nagkwentuhan kami kasama sina Merilyn tungkol sa multo. Takot na takot kami lalo na't sumali pa si Nicole na madalang sumagot ngunit sadyang natakot kami pagkatapos. Dali dali kaming natulog sa pangambang may multo sa paligid. 

Day 6 [Tuno]
Sa Tuno talaga kami dapat ni Chelle tutuloy, ngunit dahil hindi naisaayos ni Kapitan Nestor kaya't sa Malatonglan na lamang kami nakipamuhay. May kalayuan ang Tuno. At kitang kita dito ang Pacific Ocean (mas malapitan ko itong nakita kumpara sa Malatonglan, ngunit naririnig din naman namin ang agos ng karagatan). Dito ko nakilala si Nanay Rosie, isang Tagalog na naghahabi gamit ang mga yantok ng mga hugis bells, vase, at ilan pang kagamitan sa bahay na kanyang idnisplay at ginagamit. 

Pagkarating pa lamang namin binigyan nila kami ng Papaya. Hindi ako gaano kumakain ng papaya, pero pagkatapos kong tikman ang isang piraso ay binawi ko kaagad ang sinabi kong hindi ako kumakain nito. Dito ikwento sa amin ni Nanay Rosie na ang Tuno daw ay dating parte ng Military (Navy) Base, pero dahil sa nagbagyuhan ay pinaubaya ang lugar sa kanila. Laking panlulumo ko na wala akong dalang camera man lamang upang malitratuhan ang napakagandang lugar nila. Naikwento sa amin ni Nanay Rosie na may ilang mga dayuhan na nagpupunta sa kanilang lugar na nagtatangkang bilhin ang kanilang lugar kapalit ang maliit na halanga. Dito'y bumilib ako kay Nanay Rosie ng kanyang sabihin na ang pera ay nauubos basta basta, madali gastusin. Ngunit ang lupa na kanilang tinitirikan ay matagal bago mawala.

Nagtungo na kami pabalik sa bahay ni Nanay Rosie at pinagluto niya kami ng "Minani." Kamoteng Kahoy na deep-fried na nilagyan ng asin at Magic Sarap. Sobrang sarap nito at (may balak akong magluto nito pagbalik ko ng Maynila). Pinagluto niya din kami ng Gulay na Papaya para sa aming tanghalian. 

Nagpatuloy ang aming pagkkwentuhan ng nag si dating ang ilang kandidato kasama ay baon nilang Wilkins. Sa una'y di pa ako uminom, subalit dahil nagkakasarapan na din ang kwento kaya't uminom na din ako. Pagalis ng kandidato ay siyang dating ng ilang mga kamaganak ni Nanay Rosie. 

Nakakatawang isipin na ang lalaking nagtapat ng pagibig kay Chelle ay pamangkin pala ni Nanay Rosie. Siya rin yung nagbigay sa amin ng mga bagay na sadyang mapapaisip kami at ilang katanungang ukol sa Matemateka. Habang nagkkwentuhan ay gumagawa si Nanay Rosie ng mga pasalubong niya na aming raw iuuwi. (**sinabit ko yung bell na binigay niya sa kwarto ko ang cute eh). Pagkatapos ay sinama niya kami sa kanyang taniman. At siya'y namitas ng matamis na sitaw para daw sa kanyang hapunan. Dahil mag gagabi na, kami ay umuwi na sakay ang habal habal at kinausap si Kapitan Nestor kung paano kami uuwi. 

Huling gabi kaya't kami ay nagluto ng baon naming Lucky Me at Tuna Fresca. Naging masaya ang huling gabi namin sa lugar. 

Day 7 [MALATONGLAN to REAL]

Halos alas tres pa lamang nung kami'y nagising para magimpake at magbihis. Nakaktawang gising na ang mga bata at nagpapatugtog ng mga pamaskong kanta. Kaya pala sila'y gising pa sapagkat nagluto sila Nanay Niknik ng sumang ipapabaon nila sa aming paguwi.

Labis akong nalungkot dahil napamahal na talaga sakin ang pamilya ni Tatay Alex dahil kinalinga nila kami ng halos 7 araw at tinuring na kanilang mga anak.

Kung ako lamang ay mabibigyan muli ay babalik ako para lamang kamustahin sila at sabihing nangungulila pa din ako sa kanila.

#

There are still random moments when I think about how my 6 days at Malatonglan have been. I wonder how each and everyone of them is. I would really love to go back and spend the day with them just to let them know that I've been really blessed to be part of their culture. I would love to think that I am a changed person. For this really has been a life changing 2 weeks. 

My family for 6 days :) 
Mga minamahal kong Dumagat mula sa Malatonglan, dalangin ko'y kayo naman ay mabuti riyan at lagi kayong nasa isip at puso ko na. Babaunin ko muli sa aking kabilang buhay ang mga kwento at aral na ibinahagi niyo sa amin. Babalik ako kung mabigyan ng pagkakataon. At nais ko lamang sabihin ang taos pusong pasasalamat! 

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...