Halos di ko mawari, nasa pang 7th term ko na pala sa Lasalle pero alam kong gusto ko pa din ang mag Ateneo. Sabi ng tatay ko, manalig lang daw ako at matutupad ang hinihiling ko. Sabi ng nanay ko, basta masipag may kapupuntahan. Wala namang sinabi yung kuya ko, kasi madalas naman sabaw lang kami kung magusap.
Buhay estudyante mahirap, malungkot, nakakaburyo, sa huli isa lang din naman ang bagsak - ang malawak na mundo ng unemployment at forever bum sa bahay! Hay, ganito naman kasi ang basehan ng pagkasuccessful ng isang tao. Sakit sa ulo!
Nasa 7th term na ko, konting kayod at tapos na kong magaral ng kolehiyo. Konting kayod na lang at magaabogado na ko! YEAH! :)) Kasama yung mga mahal kong blockmates, sabay sabay kami maglalawschool, kung saan man kaming law school papalarin makapasok.
Nasa 7th term na ako, at kabado pa din sa kung anong mangyayari sa term na to, may 4 na law subject ako ngayon at isa pa dun ay pang thesis. Wala pa din kaming thesis topic ni Charlene. Haha! Kailangan daw may conflict sa law. Conflict sa law, conflict sa law. Hay! Kaya namin to!
Sa kabuuan excited lang tlga ko sa mga mangyayari ngayong term, excitement na may halong nerbyos. Kaya ko to! :D

No comments:
Post a Comment