Dear Ate Charo,
Ako nga po pala si… ay.. itago niyo na lang po ako sa pangalang, Sarah. Tandang-tanda ko pa nung una kong nakita si John Lloyd. July 7, 2010 noon, at kasalukuyan po akong nasa PE class kong basketball noon, nang ako, kasama ang mga kaibigang sina Christine Reyes at Alessandra de Rossi, ay nagtungo sa drinking fountain. Pagkatapos kong uminom, pagkatayo ko, at pagkatalikod muntik ko ng maapakan si John Lloyd. Kapansin-pansin ang kanyang buhok na katulad ng dati kong crush na si, Rayver Cruz. “Sorry” na lamang ang nasambit ng aking mga labi. At madali kaming bumalik sa aming klase.
Doon na nga nagsimula ang pananabik ko sa pagpasok sa linguhang pagkikita sa PE. Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan naming magkaroon ng practical test na katunggali ang kabilang klase, ang kanilang klase.
Nagkataon na kilala ni Alessandra de Rossi ang isang kamag-aral ni John Lloyd na si Venus Raj. Papaalis na ng GYM si Venus, ng lapitan siya ni Alessandra, para sana itanong kung sino yung lalake na kamukha ni Rayver. Sabay sabi ng “ah. SI JOHN LLOYD CRUZ walang space yun ah”
Pagkauwing pagkauwi ko, inaamin kong ang una kong ginawa ay maglog-in sa Facebook para hanapin ang account ni John Lloyd na walang space. Proud akong aminin na, aba, tama ang pagkakaspell out ko! HA HA HA !
Siguro sa una ay simpleng paghanga lamang ang mayroon ako. Ang lokohan naming na, “Napaka-stalker ko naman!” Oo, stalker ang ginagamit kong termino para tukuyin ang sarili ko Bakit? Nagsimula iyon sa halos araw-araw kong pagtitingin ng Facebook niya. Hanggang sa naging kagawian ko na, nabago ko tignan ang mga sarili kong notifications eh, binibisita ko muna ang account niya. Hanggang sa sine-save ko na sa cellphone ko ang mga litrato niya at ginagawang wallpaper, at nagtuloy tuloy sa pag-eedit na ng mga picture niya.
Matapang ang kaibigan kong si Katrina Halili. Mapusok at buo ang lubo, kaya’t siya ang unang nag-add kay John Lloyd sa Facebook. Makaraan ang halos isang linggo ay inaccept na ni John Lloyd ang friend request ni Katrina. Doon na nga nagsimula ang ideya sa akin na, bakit hindi ko siya i-add?
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob, na merong pag-asa na iaccept niya ako. Lumipas ang ilang araw, hindi na ako makapaghintay na maging friend siya. Hanggang sa halos mawalan na ako ng pag-asa.
Sa sobrang pagkadesperado ko, eh alam niyo po ba na, ginagamit ko yung account ni Katrina para lamang iview yung account niya? NAKAKAHIYANG AMININ, pero ganun talaga ako kadesperado na maging updated sa buhay niya. Sa halos isang buwan kong paghihintay, ako’y nainip na at nawalan ng pag-asa. Pag-asa na iaccept niya pa yung friend request ko. Kaya’t, kinansela ko na lamang ito. Mga unang linggo ito ng Agosto noong nangyari.
Nagpatuloy ang pagviview ko ng account niya gamit ang account ni Katrina. Halos araw-araw akong nagpapaalam sa kanya na buksan ang kanyang account, makita lamang ang kanyang profile.
Makalipas ang halos ilang buwan, nagsend na din ng friend request ang mga kaibigan kong sina Alessandra, Christine, at INSERTNAME. Hindi ko lubusang maalala kung kasabay ng pag-aadd nila ang muli kong pagsesend ng bagong friend request sa kanya. Mga Agosto noon sa aking pagkakatanda.
At sa pagkakaalam ko’y nainip na ako muli kaya’t Setyembre noong ikansela ko muli ang friend request ko sa kanya. At tulad ng dati’y ginagamit ko pa din ang account ni Katrina.
Halos pa-Disyembre na noon nang inaccept niya ang mga friendrequest nila. (pati na din ng kaibigan kong si Pat at pinsan kong si Ligaya)
Kaya’t hindi na ako nagdalawang isip pa dahil sa aking labis na pagkadismaya. Sa una’y pinalitan ko muna ang aking pangalan ng “Laida (anonglastnameniLAIDA?) At dali-dali akong nagpunta sa bahay nila Ligaya. Pagkauwi ko (makalipas ang halos tatlongpung minutong pamamalagi sa kanila) ay laking gulat ko ng kanyang iaccept ang aking friend request, kung hindi ako nagkakamali ay Nobyembre 17, 2011 ito.
Hindi lumilipas ang araw na ako’y nagtutungo sa kanyang account para ivew ang kanyang account.
Magpapasko na, noon ng naisip ko na gusto kong batiin ka ng “Maligayang Pasko”. Kaya’t pagkatapos ng pagsisimba naming pamilya eh sinimulan ko na ang pagbati sa aking 900 friends sa facebook.
Umabot ng halos 4 ng hapon ng Disyembre 25 ng umabot ako sa pangalan mo “Merry Christmas and A Happy New year John Lloyd!” At nagreply ka ng “Oh hi, merry Christmas”
Ang tanging hiling ko lamang noong paskong iyon ay batiin niya rin ako ng Maligayang Pasko. Kaya’t abot langit ang aking pasasalamat ng siya ay sumagot doon sa aking pagbati.
Dumating ang Bagong Taon, baon ang mithiing maging kamag-aral siya sa susunod na Term kahit isang asignatura lang.
January 7, taong 2011, unang araw ng klase (Miyerkules). Medyo hindi naging maganda ang naging pakiramdam ko noong unang asignatura ko (TREDTWO), dahil na rin siguro halos mga nakakatandang mga estudyante ang aking mga kaklase. Sumunod pa ang mahaba kong break, kaya’t hindi ko maipinta ang naging pakiramdam ko noong sumunod kong klase, ang ENGLCOM.
Kasama ang kaibigan kong si Christine, pumasok kami sa loob ng silid aralan, at laking gulat ko ng makita kita sa labas. Akala ko’y may iba ka lamang klase sa ibang silid aralan, ngunit halos huminto ang tibok ng aking puso ng makita kong pumapasok siya sa aming silid aralan at nagpasya pa ngang umupo sa likuran ng aming kinauupuan.
Halos di ako makapagconcentrate sa aming guro at sa kanyang mga sinasabi, dahil alam kong isang lingon ko lang at ika’y naririyan na.
THEY SAY THAT TRUE LOVE WAITS.. . PERO MAKAKAPAGHINTAY KA PA BA, KUNG YUNG TAONG HINIHINTAY MO. EH NAKAHANAP NA NG IBA… maalalala mo kaya..
-hahahahahaha.
No comments:
Post a Comment