Tuesday, June 23, 2009

San nga ba ako?

Heto na ang pasukan para sa bagong taon, iba't ibang balita kaagad ang aking nasagap kahit wala pa talgang opisyal na anunsyo. Iba't ibang sabi-sabi tungkol sa mga pagbabago para sa taong ito, may maganda may pangit, ANO NGA BANG BAGO? Tatlongpung minutong RECESS at LUNCH, isang oras na klase. Nabawasan ang mga asignatura; swimming, bookkeeping at iba pa. Maging ang walang kasiguraduhan kung may C.A.T. pa nga ba. Pinagsama ang ilang mga asignatura, kagaya ng pagsasama ng ENGLISH at JOURN. Pinaghiwalay naman ang P.E. at T.L.E. para sa mga lalake at babae. Napaaga ang uwian, pinagsabay sabay ng schedule ang buong departamento ng HIGH SCHOOL. Ilan lamang sa mga pagbabagong ating naransan at patuloy na dinaranas. Pero bilang estudyanteng tulad mo, SAAN NGA BA AKO?

PLASTIK-PaSAFE-
Ilan lamang sa mga bagay na siguradong sasabihin mo dahil dito sa sasabihin ko. Simple lang ang buhay JAMER ko, pumapasok nagaaral nakagagalitan ng mga guro kung minsan ay nakaaangat din sa iba; PERO sa buhay kong to SA GITNA LAMANG AKO. Di ko masasabing SANG-AYON ako sa lahat ng mga pagbabagong ito PERO kung para sa ikabubuti ko bakit hindi, kung sa pagbabagong ito mas magiging mabuting estudyante ako bakit hindi, kung sa pagbabagong ito mas aangat ang kalidad ng mga magaaral sa paaralang ito bakit hindi. Di ko ding sinasabi na SANG-AYON ako sa mga ayaw sa mga pagbabagong ito, marahil may ilang pagbabagong hindi ko rin matanggap, kagaya ng pagkakatanggal ng ilang asignatura. Kung tutuusin, nabawasan lamang ng konting saya. Nabawasan ang mga EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES, nabawasan ng pagkakataong magkaroon ng tatlongpung minuto kada asignatura dahil sa iba't ibang activities.

TAMA BA O MALI? Ang kailangan lang ng estudyanteng tulad ko ay ang konting SAYA, parte ng pagaaral ay ang pasakit ng paghihirap at ang iba't ibang activities para maibsan ang paghihirap sa pagaaral na ito.

Ngayong malapit na kong magtapos ng pagaaral ko sa high school, baon ko ang alalang namuo ng halos labingdalawang taon kong paninilbihan sa paaralang ito. Mula sa pagsasayaw kasama ang MARAKAS nung KINDER A, sa pagsali sa LITTLE MERMAID nung GRADE 2, sa pagsali sa ANGELIC CHIMES at pagkanta sa tuwing may misa, sa pagreretreat sa Bulakan, sa pagpapraktis para sa sabayang pagbigkas, hanggang sa unang pagkuha ng diploma noong ika anim na taon. At sa pagtungtong sa first year at ang di ko malilimutang dula kasama ang mga kapwa ko janers na umani ng puna at maraming kumento; sa second year at ang buhay masaya kasama ang buong albertus magnus at ang una at huling pagkakataong makapagsayaw sa entablado; hanggang sa pagharap sa buhay bilang isang taong puno ng responsibilidad noong mga panahong bilang magnets; hanggang sa kasalukuyang pakikisalamuha sa mga kaklase kong taga JAMES na may iba't ibang ugali at hilig pati na din ng trip.

Magka-CAT man o mawala.
Magka-OUTBOUND man o mawala.
Maging maayos man o hindi.
Maging masaya man o hindi.


Dala ko sa aking pagtatapos ang alaala ng bagong sistema na aming natamasan para sa una at huling pagkakataon. Bitbit ang mga pagbabagong ito sa pagharap sa mas malaking problemang naghihintay pa sa akin sa mundong ito....


Jassy

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...