Tatlong exams na ang "nagdaan" at may dalawa pa kong kailangang tahakin. Ang sakit sa kaluluwa. Lalo na at alam kong hindi magiging maganda ang kanilang mga resulta. Dapat ay mas madali ang unang kalahati ng semester, kaso hindi. Nagkulang sa preparation, nagpabaya. Ganyan naman lagi. Nakakahiyaaaa! Walang ibang dahilan kung 'di ang aking sariling kapabayaan.
Updated sa series (Sa Love in the Moonlight lang naman). Madalas mahaba ang tulog. May oras para sa pakikipagusap sa kaibigan*1. Madalas nakakabili ng mga gustong pagkain. Pero kulang, pagod na pagod na ko!!
Ngayong araw sumampal sakin yung pagkapretentious ko na laging "busy." Wala naman palang magandang maibubunga. Nakakinis lang. HAHA. Bukod sa regrets, yan lang ata baon ko. Ay pati sympre yung dalangin na nawa'y may malawak na pagiisip ang aming mga guro sa pagchecheck ng mga test booklets namin. Na sana, wag silang magsawa na magbigay ng chance para magimprove at makabawi.
Kasi kung pati yung chance na yun ay ipagkakait nila sa darating na second half, e... mabuti pang. Actually nope, kung pati yun ipagkakait nila - dapat ay mas pagbutihin ko pa.
Hello first sem self from A.Y. 2015-2016, sorry a! Nahihiya ko sayo, ang dami kong free time ngayon. Kaso medyo di ko naman niutilize. Mga false priorities na naman ako e. Wag kang magalala, isasalba kita. Nagawa mo nga e, ngayon pa ba? #JudgePBabyAtaTo!
Ngayon self, kumain ka na. Magmamarathon ka pa ng Torts para bukas. Kaya mo pa yan, konti na lang. *wink*
*1 - madalas may time, pag di kita nakakusap. pagisipan mong mabuti kung bakit. HAHAHA. joke lang, baka lang wala talagang time nung panahon na yun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Panganay Speech 09.21.2024
Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo. xx...
-
Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo. xx...
-
SA KASAMAANG PALAD: I'm elected as our Class President. *IV - ST. JAMES the GREAT BUT.... I wanted to be this year's O.I.C. (...
No comments:
Post a Comment