Kanina natutunan ko sa HUMALIT class yung 'Stream of Consciousness' matignan nga kung makagawa ko ng Araby ala James Joyce o baka naman sa kangkungan din ang bagsak nito kagaya ng dati.
Sa isang madilim na kawalan ako na ninirahan, dito sa baryo namin halos lahat kami magkakamaganak. Ang mga lolo't-lola ko ay nakatira lang sa kabilang bahay, at kasama naman namin dito ang kapatid ni mama na si Tita Chi. Sa tapat ng bahay namin may puno ng Balete, sabi ni papa mas matanda pa daw iyon kay lolo ewan ko lang kung totoo madalas naman ginogood-time lang nila ko, tinatakot para umuwi palagi ng maaga at gumawa ng mga gawaing bahay.
Tuwing sasapit ang umaga, gumigising akong mauna sa kanilang lahat para magehersisyo, sabi ni doktora na tiyahin ko rin, humihina ako lalo dahil sa pabago bago ng panahon. Alas-sais imedya, gigising na si kuya at madalas ay naghahanap na ng makakain sa umagahan. Malay ko ba sa pagluluto, hindi kasi ako pinapalapit sa kusina lalo na nung nalamang nadagdagan ng hika ang karamdaman ko. Ewan, karamdaman! Karamdaman bang matatawag ang pagkakaroon ng hika? Sabi ni lolo dala daw yun ng sumpa na naipamana ng kanunununuan namin sa angkan namin. Minsan talaga napapaisip ako at ano bang nagawa ko at pinagtitripan ako pati ni lolo.
Pero sa tuwing papasok naman ako sa ekswelahan, kasabay kong pumapasok ang kababata kong si 'Chekwa', anak kasi siya ng Intsik at Espanyola na malapit kaibigan nina lolo ang mga magulang, makaraan ang ilang taon ay dito na sila sa baryo namin nanirahan at naging mabuti naman ang pagsasama nilang magkakapitbahay. Umaga ng mga alas otso nilalakad na namin ni 'Chekwa' ang mahabang tulay ng San Isidro para makarating sa Santa Rita para makapasok sa alas dyes imedya naming pasok. Wala namang isang oras ang paglalakad namin, pwera na lamang kung umuulan o mataas ang tubig sa ilog, napipilitan kasi kaming makiangkas sa bangka ni Mang Nestor - yung katiwala ng mga lolo sa babuyan.
"Class open your books to page 20"
Ayan na naman yung titser namin na ubod ng chismosa, ewan ko ba kung akala niya nasa faculty room siya at isa isa niya pa kaming chinichika. Tinitingala at ginagalang ang angkan namin sa buong baryo kaya maging dito sa Santa Rita kilala ang pamilya namin, madalas nga ay makakuha kami ng mga regalo sa mga taong di ko naman kakilala pero nginingitian lamang ako. Si Ma'am Cathy, sobrang daldal open your books to page 20, pero magkukwento muna siya ng karanasan niya papuntang eskwelahan at bago yun ay sasabihin niya muna kung anong bagong natutunan ng anak niyang si Mimi. Bidang bida si Mimi sa bawat klase niya, nito ko lang nalaman na magisa lang pala si Ma'am Cathy sa bahay at si Mimi pala ay ang alaga niyang pusa. Kaya pala nakakapagtakang minsan daw ay tititigan na lamang siya nito at hindi papansinin makaraan!
"Ano na naman yang iniisip mo?" Tanong ni Chekwa. Sabi ko wala naman, pero ang totoo kanina pa ako buryong buryo sa mga pinagsasasabi ng titser namin. "Punta tayo sa gym mamaya, samahan mo kong panuorin si Femela." Eto pa isang madaldal, araw-araw kaming magkasama ni Chekwa araw-araw niya ko pinupulbos sa mga kwento niya tungkol kay Femela. Minsa'y napapaisip akong tumalon sa tulay pauwi at huwag nang makarinig pa ng isang bagay tungkol sa kanya. Femela Magdiwang, ang pantasya ng bayan! May lahi kasing Americana kaya blonde ang buhok niya. Active sa lahat ng sports, competitive, pero may kahinaan naman sa klase.
"Uy, kanina pa ba kayo nandyan?"
"Hindi kararating lang, ano bang assignment yan Femela?"
Etong kaibigan ko, madalas nakikipagkita kay Miss Blondie na may dalangin na sana'y siya ay mapansin, pero sa tuwing magkikita sila bungad agad nito ang ANO BANG ASSIGNMENT YAN FEMELA? Matalino kasi tong si 'Chekwa' at mahiyain, ewan dahil ata sa lagi nasa amin at madalas din nagiging habulin ng tuksuhan dahil sa pagiitsura nitong mukhang bading.
-------
HAHAHA! DI KO PALA TO NAPOST.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The Panganay Speech 09.21.2024
Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo. xx...
-
Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo. xx...
-
last THURSDAY dumating na si new classmate CHRISTIAN MUI ? (kng sino nakakaalam ng complete nd right name. pa sabi na lng! hahah). trivia:...
No comments:
Post a Comment