COMALGE (college algebra) at INTSOCI (introduction to sociology).
Dalawang mahirap na asignatura.
Ang isa'y naghihingalo ang mga markang nakuha sa mga pagsusulit, at sumatutal ay nangangailangan ng 74 na puntos sa magaganap na pagsusulit bukas.
Ang isa'y ngayon pa lang magbibigay ng pagsusulit. Kinakabahan na baka ito na lamang ang pagkakataong pumasa, mawawala pa.
Hindi biro ang final exam. Hindi biro ang mga quizzes.
Sa FE na kukunin ko mababago na ang takbo ng buhay ko.
Kung bumagsak, kailangan kong kunin muli ang asignaturang ito sa susunod na term.
Kung papasa, kailangan kong harapin ang mas mahirap na pagsubok at asignatura na paparating...
Pero mas mahirap pa din yung, alam mong papasa ka, alam mong kaya mong ipasa, pero yung taong nagbigay sayo dati ng pag-asa para gawin ang lahat sa abot ng iyong makakaya ay halos itakwil ka at patuloy kang binibigo. ang hirap.. mahirap..
Para sa lahat ng kapwa ko Lasalista na kukuha ng Final Exam, nakatapos ng kumuha ng Final Exam... GOOD LUCK SA ATIN! Nawa'y pumasa lahat tayo.
No comments:
Post a Comment