Thursday, June 17, 2010

I SURVIVED THIRD WEEK

Masaya kong ibinabahagi na aking nalagpasan ang pangatlong linggo para sa term na ito.

Noong ika-31 ng Mayo nga ay ang aming unang araw sa eskwela.
Halo-halong emosyon... Ngunit mas nananaig ang pagkakapangamba ukol sa mga bagay-bagay.

Halos hindi rin ako makapaniwala sa realidad na naka tatlong linggo na ako ng pagpasok sa La Salle. Inaamin kong baguhan parin ako sa kabuuang eskwelahan. Aking pinagmamalaki na hindi pa naman ako nawawala sa paghahanap ng mga silid na mayroon akong asignatura. Dahil siguro halos tatlong gusali lamang ang mayroon kaming asignatura.

Anong bago para sa linggong ito?
  • Halos walang klase at animo'y may pista sa buong La Salle. Nagsimula na kasi ang pagbibilang ng mga araw para sa ika-100 taon ng La Salle. Narinig ko mula sa isang kaibigan "What is 150 or 400 years of existence, if La Salle have a 100 years of excellence?" Hindi ata eksakto ang pagkakasulat ko, ngunit halos ganyan ang nais ipahiwatig. HAHAHA!
  • Muntikan na akong mabawasan ng kaukulang .5 puntos sa aming pagdalo sa klase. Dahil ito sa pagpunta namin sa University Library dahil sa pag gawa nila M at Rai at kasama ang ilan pa nilang kagrupo sa kanilang takda para sa isang asignatura.
  • Halos iubo ko na ang aking baga dahil sa matinding ubo! At hindi pa ako nagtanda kanina at bumili ako ng Tsaa sa Zen Tea kasama si Rai at bago tuluyang umuwi ay muling bumili ng Tsaa at mas malaki pa. Kaya ngayon halos iubo ko na ang aking baga. Salamat sa Vicks at Lagundi bumuti na ng kaunti ang aking kalagayan. KAUNTI!
  • Wala kaming klase sa PE dahil wala ang aming guro kaya pinaghanap niya na lamang kami ng mga Fouls at Violations para sa basketball.
  • Noong lunes ay walang pasok dahil sa pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas
  • Kanina ay nagsagot na kami ng gawain sa Math at sinagutan sa tulong ng kapareha.
  • Halos dalawang oras at kalahati akong naghintay sa eskwelahan. Nakakwentuhan si Mark.
  • Nagmadaling pumunta sa klase mula Univ.Lib. at umakyat sa pamamagitan ng hagdan. Nakasalubong si Jenica.
  • Bago magbreak ay nakita ko si Larisa.
  • Nakapag"exam" na din kami para sa KASPIL. At isa lamang ito sa marami pa naming kukuning exam para sa KASPIL.
Noong lunes ay nagsimula ng pumasok ang karamihan ng mga mag-aaral.
"balang araw.."

Hanggang sa muli!

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...