Monday, December 29, 2008

usapang LOLA BASYANG

Trivia

  • Severino Reyes was 75 years of age when he wrote the first Lola Basyang story "Ang Plautin ni Periking", which was about a kindhearted kid who had a magical flute and flying carpet.
[source: http://en.wikipedia.org/wiki/Mga_Kuwento_ni_Lola_Basyang]
  • Si Lola Basyang

    Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda ng istoryang ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.
[source: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Severino_Reyes]


KAMANGMANGAN NG AKING MUMUNTING ISIPAN,
lumaki ako sa paniniwala at pagkakamulat na si LOLA BASYANG ay isang BABAE, sa labing limang paninirahan ko sa mundo yan ang aking pinaniwalaan. Hanggang sa dumating ang araw ng DISYEMBRE 26 2008, ako kasama ang aking pamilya pauwi sa aming tirahan ay masayang nagkukwentuhan. Isa sa mga nabuksang usapin ay si LOLA BASYANG, laking gulat naming 3 (mama ko, kuya ko, at ako); ng sabihin ng aking ama, na si LOLA BASYANG ay LALAKE, ito lang daw ay isang "a.k.a." o "pen name". Nasabi niyang "i-search mo sa internet. lalake yang si lola basyang". [another TRIVIA: lahat ng mga bagay na hindi ko alam, gustong malaman gustong puntahan eh pinapasearch sakin ng papa ko sa INTERNET. haha.. ntatawa lang ako. kasi PAPA ko. pinapasearch PA KO SA INTERNET. ah basta. cool! welcome MODERNIZATION. haha.. okok. balik sa kwento]. Ngayon (DISYEMBRE 29' 2008:3.40 AM) habang ako ay gumagawa ng header sa multiply ko (promotion.. haha.. new header to be upload. comments love), naalala ko si LOLA BASYANG. at dyan nga napatunayan ko na tama ang aking ama, NA LALAKI SI LOLA BASYANG, at siya ay walang iba kundi si G. Severino Reyes. Kumbaga, si LOLA BASYANG ang ginagawa niyang pinaka "narrator" sa bawat kwentong kanyang isinusulat.

Nawa'y sa mga hindi pa nakakaalam ng impormasyong ito ay makatulong sa pagkamulat ng inyong mga isipan. Kung sakali namang alam niyo na WOW, daming alam.. pa burger ka naman.. burger burger burger

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...