Friday, October 2, 2015

October Two: Class Suspension

The first semester is already ending. Almost all of my midterm-exam booklets were already returned. Just a few more kayod weeks and finals na naman. I must say na I gave my 200% pre-midterm, kaya during the midterm exam week nanuod na lang ako ng Kalyeserye nagdasal na lang ako ng mataimtim and left everything else to God's will. So far naman, isang subject lang naman yung sobrang lagapak yung grade ehem Sales. Kaya aside from thanking Mother of Perpetual Help (Baclaran) and God, I associated my "luck" to noontime show procrastinating (wow, fantastic baby!).  

Kaso ngayon, sobrang exhausted na lang ako. Yung tipong sagad na sagad na ko. Kaya madalas, instead of going to bed and waking up early like I used to during the premids, I went back to my old routine of staying 'till the wee hours doing NOTHING! But I think, it's an improvement that the latest I've slept was 2 AM. Improvement yan I swear! Napapadalas din yung pagyaya ng dinner after class with GRP pero deserve naman namin usually kaya kami kumakain. But right now, I've been trying to "fix" my self. Yung may daily reminder na "PARA SA BAYAN! PAK PAK", or "KONTING PUSH NA LANG", or yung "SAYANG ALLOWANCE MO UY!", or yung "PARA KAY CRUSH DI MAPAHIYA SA CLASS", at  yung "LAGOT KA KILA MAMA AT PAPA PAGUWI", at tska "GINUSTO MO YAN DIBA?"

Earlier today, I woke up with gazillion text messages and missed calls from mama (OA! mga 3 lang naman) informing me that classes are already suspended.   Immediately, I confirmed the truthfulness of said claim este chineck ko ang mga twitter hashtag para iconfirm na wala na talagang pasok. True enough, wala na ngang classes! 

Few hours later, dahil nakatulog ako after magparty at walang pasok, kuya decided to have lunch at Bugis, Banawe QC. Ay jusme! Ilang months ko na siyang pineperwisyo para kaladkarin ako sa Bugis "home of the best Singaporean Laksa" (hahahaa, may libreng ad. Pero swear sobrang sarap!). 



Ang twist dito eh coding ang aking minamahal na sasakyan now with working and functional windows. It's a good thing na 30 minutes lang ang travel time despite the gloomy weather and bobong drivers. At naswerte pa na nai-lift na ang number coding around Metro Manila kaya tumuloy na ako ng paglalakwatsa. From Banawe I went to Trinoma. From Trinoma I went to Cubao Expo. After nun, I went home na hashtag kunyari mura pa yung gas.

At ngayon, heto instead of studying for my class tomorrow nakahanap pa ng "FREE TIME" para magkwento ng walang kabagay bagay. Sabagay, kailangan nga naman ako nagkaroon ng sense? diba Bry? Kung nasan ka man at kung nababasa mo to! 

Nafefeel kong ang October will be one thrill of a ride - bilang stress month na for FINALS at BIRTHDAY KO, kaya bahala silang mga nega and bad juju. BIRTHMONTH KO NA AT WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN!!! 

No comments:

The Panganay Speech 09.21.2024

Happy birthday to my dearest beshy. Marami pa kong utang na kwento sainyo, wait lang kasi. Salamat sa pagunawa. Mahal na mahal ko kayo.   xx...